Jonvic Remulla Kumalas Na Nga Ba Sa Team Binay?

Jonvic Remulla Kumalas Na Nga Ba Sa Team Binay?

Sampung araw bago ang eleksyon sa Mayo 9, isang malaking kaalyado na naman ang nawala sa kampo ng Bise Presidente Jejomar Binay. Ito ay matapos umanong makipag alyansa ang dating spokesman nito at kasalukuyang gobernador ng lalawigan ng Cavite na si Juanito 'Jonvic' Remulla.

 Inihayag mismo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa isang interbyu nitong Biyernes, April 29, na nakausap niya ang magkapatid na Jonvic na kasalukuyang gobernador ng lalawigan ng pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng botante sa bansa at ang kapatid nitong si Crispin 'Boying' Remulla na kasalukuyan namang tumatakbo sa nasabing posisyon.

"Jonvic Remulla and I promised to work together," ayon mismo sa Alkalde ng matanong siya tungkol sa naging pagpupulong nila ng gobernador.

Nang tanungin kung tuluyan na nga bang kumalas si Remulla sa mga Binay, ang sinabi lang ng Alkalde ay si Jonvic nalang daw mismo ang tanungin ukol dito.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng komento ang bise presidente ng tanungin ito kung tuluyan na nga bang nilisan ng mga Remulla ang kanyang kampo. Ayon pa sa kanya, kung totoo man ito ay nais niyang marinig mismo ito sa gobernador.

Share this:

Disqus Comments