EDITORYAL: Mula sa Limang Kandidato | PiliPinas Debates 2016

EDITORYAL: Mula sa Limang Kandidato | PiliPinas Debates 2016

Isa marahil sa mga naging kapani-pakinabang na gawain na isinagawa ng COMELEC o Commissin on Elections ang #PiliPinasDebates2016. Layunin ng debate na ito na paigtingin ang pagkakakilanlan ng mamamayan sa mga tatakbong pangulo sa papalapit na halalalan. Ilan sa mga kandidato ay higit na napabango ang pangalan sa pamamagitan ng naturang debate, ngunit ang ilan ay tila napasama pa ang inaalagaang reputasyon.

Sa huling pagkakakataon, inilunsad ang naturang debate sa pangunguna ni ng ABS-CBN. Dito kapansin-pansin ang mga naging pamamaraan ng mga naturang kandidato sa pagsagot ng mga tanong ukol sa mga isyung ibanabato sa kanila.

Gaya ng dati, marami pa rin ang nainis sa naging pamamaraan ng kasalukuyang pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Sa parte ng “fast talk” ng debate kung saan sila ay tatanungin ng mabilisan, sa halip na sumagot ng oo o hindi, mistulang hindi naririnig ng dating alkalde ng Makati ang mga tanong. Paulit-ulit itong nagsasabi ng “Ha?” Ha?”. Sa ilan pang parte ng debate, kapnsin-pansin din ang pagiging paligoy-ligoy nito sa pasagot.

Hindi naman kaila ang pagiging mahina ni Senadora Miriam Defensor-Santiago. Maraming beses itong huminto sa pagsagot habang tumatakbo ang kanyang oras. Nauna na nitong sinabi na namatay na ang mga cancer cells sa kanyang katawan dahil sa pills na kanyang iniinom na hindi pa opisyal na lumalabas sa merkado. Gayunpaman, halatang-halata na ang pagiging mabagal nito sa pagsagot na nagbibigay patunay na wala pa 100% ang kanyang katawan upang manungkulan.

Sa kabilang banda, tila wala nang nagulat sa naging pamamaraan ng sagot ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Naging matapang ang kanyang mga pahayag na nagpapatunay ng kanyang paninindigan, ang ilan pa ay napuno ng katatawanan. Umpisa pa lamang ay sinabi nito na susugod siya mag-isa sa China gamit ang jetski upang maipagtanggol ang karapatan ng bansa sa Spratlys Island. Gya ng inaasahan, naging sanhi ulit ito ng pagka dismaya ng ilan dahil hindi wala nanaman umano sa lugar ang mga pahayag ng alkalde.

Naging malumanay at bahagyang makata naman ang naging atake ni Senadora Grace Poe. Pawang pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan ang namayani sa kanyang plataporma. Ang nakadidismaya sa pamamaraan ng kanyang pagsagot ay tila sinasagot niya ang mga tanong sa panananaw ng isang babae at sa pananaw n isang ina, hindi bilang susunod na pangulo ng bansa. Totoong hindi kaaya-aya ang kanyang taktika.

Bilang panghuli, maraming mamamayan, lalong higit ang mga netizens ang nakakita ng hindi pantay na pagtrato sa tuwing magbabato ng tanong kay Department of Interior and Loal Government (DILG) Secretary Mar Roxas. Sa tuwing ang kalihim ang tatanungin, nagiging iba ang pamamaraan ng pagtatanong ng news anchor na si Karen Davila. Mapapansin din ang kumpyinsa ni Secretary Roxas sa kanyang mga sagot na tila praktisado, base na rin sa pananaw ng marami. Alinsunod ni Roxas, marami rin ang nadismaya sa mismong network ng ABS-CBN dahil umano sa pagiging “bias” nito.

Dagdag pa rito, palaging binibida ng kalahim ang mga katagang panaplano palang umano ng kalaban, nagawa na ng administrasyon. Gayunpaman, hindi kaila sa marami na pawang kasinungalingan ang mga salita ni Secretary Roxas dahil totoong wala namang nakadama sa mga binibida nito.

Hindi maikakaila ang laki ng tulong ng #PiliPinasDebates2016 upang makapamili ng tunay na nararapat sa pagkapangulo. Nasa atin na ang kakayahan upang baguhin ang sistema ng bansa at ilagay ito sa tama. Nasa atin na ang desisyon kung nais nating magkaroon ng pagbabago. Ang tanging kailangan na lamang gawin ay bumoto ng wasto mula sa limang kandidato kung saan isa sa mga ito ang di magtatagal ay magiging pangulo na ng bayan.

Ikaw anong masasabi mo ?

Share this:

Disqus Comments