REPLAY: UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals Game 2 | Ateneo vs DLSU

REPLAY: UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals Game 2 | Ateneo vs DLSU


                    Related Post: REPLAY: Ateneo vs La Salle Game 3

Bigo ang De La Salle Lady Spikers na maagaw ang korona mula sa defending champion. Ito ay matapos silang pataubin sa pamamagitan ng isang makasaysayang fifth set win ng Ateneo Lady Eagles sa game 2 ng kanilang serye sa UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals na ginanap noong Abril 27, 2016 sa Mall of Asia Arena.


REPLAY: UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals Game 2 | Ateneo vs DLSU
DLSU Lady Spikers vs ADMU Lady Eagles


WATCH THE REPLAY


Hindi na pinalampas ng Spikers ang pagkakataon na magdomina sa simula pa lamang ng laro. Sa magkatuwang nilang mga opensa at sa pangunguna ni Ara Galang ay agad nilang sinelyohan ang unang set, 25-18.

Naging dikit ang laban sa pagsisimula ng ikawalang yugto kung saan ang magkabilaang koponan ay halos nagpapalitan lamang ng kalamangan. Pinangunahan nina Alyssa Valdez at Amy Ahomiro ang Lady Eagles samantalang si Galang at Mika Reyes naman nanguna para sa mga Spikers. 

Umabot pa ang naturang set sa set point 24- 20 kung saan lamang ang Ateneo ngunit, sa huli ay nagawa pa ding makahabol at manaig ng La Salle, 28-26.

Gayunpaman, hindi basta- basta nagpatalo ang Lady Eagles na sumandal sa kasalukuyang best scorer, best server, at Most Valuable player na si Valdez upang maisalba ang set at laro sa iskor na 25-17.

Nagpatuloy ang magandang momentum ng defending champion hanggang sa ikaapat na yugto (25-16) upang magkaroon pa ng deciding fifth set ang laban.

Naging dikdikan na ang laban sa huling yugto ng laro kung saan ito ang magsasabi kong La Salle na nga ba ang bagong kampeon o kung magkakaroon pa ng do-or-die game 3. 

Ginawa ng magkabilang koponan ang kanilang buong makakaya ngunit sa huli ay nanaig pa rin ang Ateneo Lady Eagles (15- 11) upang magkaroon ng do-or-die match sa darating na Sabado, Abril 30, 2016.

INDIVIDUAL AWARDS

Bago magsimula ang laro ay nagbigay muna ng parangal para sa mga natatanging manlalaro sa season na ito. Itinanghal si Alyssa Valdez ng Lady Eagles bilang Best Server, Best Scorer at Most Valuable Player. Kinilala din ang mga Lady Spikers na sina Kim Fajardo bilang best setter, Dawn Nicole Macandili bilang best digger at best receiver, at si Mary Joy Baron ay itinanghal namang best blocker. Best spiker naman ang inuwing parangal ng National University Bulldog na si Alyja Daphne "Jaja" Santiago. Kinilala din ang rookie of the year na si Isa Molde na nagmula naman sa Unibersidad ng Pilipinas.

Most Valuable Player -      Alyssa Valdez (ADMU)
Best Server-                       Alyssa Valdez (ADMU)
Best Scorer-                       Alyssa Valdez (ADMU)
Best Setter-                        Kim Fajardo   (DLSU)
Best Digger-                      Dawn Nicole Macandili (DLSU)
Best Receiver-                   Dawn Nicole Macandili (DLSU)
Best Blocker-                     Mary Joy Baron (DLSU)
Best Spiker-                       Alyja Daphne Santiago (NU)
Rookie of the year-             Isa Molde (UP)

Share this:

Disqus Comments