REPLAY: Ateneo vs La Salle Game 3 | UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals

REPLAY: Ateneo vs La Salle Game 3 | UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals

Tuluyan nang itinakas ng De La Salle Lady Spikers ang kampeonato sa UAAP Season 78 Women's Volleyball matapos nilang talunin ang defending champion na Ateneo Lady Eagles sa game 3 ng kanilang finals series, 3-1, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, Sabado, Abril 30, 2016.

WATCH THE REPLAY

1st Set
2nd Set
3rd Set
4th Set

Wasn't able to watch the previous game? No problem, you can watch the UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals Game 2 here.

Sa unang yugto pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas na ang defending champion sa panguguna ng kasalukuyang league's most valuable player na si Alyssa Valdez kung saan kumamada ang mga ito ng 6 - 0 run dahilan upang tumawag ng maagang time out si coach Ramil de Jesus ng La Salle. Sinubukan pang makabalik ng lady spikers ngunit bigo silang maisalba ang naturang set, 19-25.

Naitala naman ng DLSU ang pinakamalaki nilang lamang sa ikalawang set ng laban kung saan umabot sa hanggang anim ang kanilang abante, 16-10. Gayunpaman, hindi nagpatinag ang Lady Eagles at at idagdag pa ang ilang mga errors ng La Salle kung kayat nagawa nilang itabla ang naturang yugto 18-18. Sa kabila nito, nagawa pa din ng Lady Spikers na makuha ang naturang set, 25- 21 at maitabla ang laro, 1- 1.

Sa pinaghalong mga atake nina Ara Galang at Mika Reyes para sa DLSU, nagawa nilang matambakan ang Ateneo sa ikatlong yugto ng laro dahilan upang lumamang sila ng isang set, 25- 16 ,2-1.

Tuluyan ng tinambakan ng De La Salle Lady Spikers ang Ateneo Lady Eagles, 25- 16, upang selyohan ang ang laro at tanghaling kampeon ng UAAP Season 78 Women's Volleyball.
Samantala, kinilala naman bilang Finals MVP si Lady Spiker Kim Dy.
Wasn't able to watch the previous game? No problem, you can watch the UAAP Season 78 Women's Volleyball Finals Game 2 here.

Share this:

Disqus Comments