2016-12-15

Rosario Cavite Public Market, Nasunog

ROSARIO, CAVITE- Natupok ng apoy ang pamilihang bayan ng Rosario sa Cavite pasado alas 9:30 ng gabi, Disyembre 15, 2016.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Cavite ay umabot sa Task Force Alpha ang naturang sunog na tumagal ng halos tatlong oras bago naideklarang fire out pasado 12:36 na ng madaling araw.

Problema sa electrical ang hinihinalang sanhi ng naturang sunog na tumupok naman sa di baba sa sampung milyong pisong halaga ng ari- arian.


Wala namang naitalang namatay o nasugatan sa nasabing sunog.



ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.