2017-02-01

Sunog Sumiklab sa Isang Pabrika Sa Cavite

GENERAL TRIAS CITY, CAVITE - Tinatayang milyun- milyung halaga ng ari- arian ang natupok matapos sumiklab ang malaking sunog sa isang kompanya sa Cavite Export Processing Zone dako alas singko ng hapon.

Nagsimula umano ang sunog sa House Technology Industries PTE. LTD. isang kumpanya na gumagawa ng mga bahay na ineexport naman patungo sa ibang bansa gaya ng Japan.

Dako 11:35 ng gabi ng ideklarang fire under control ang sunog na umabot hanggang sa Task Force Delta.

Ayon naman sa twitter post ni dating Cavite Governor Jonvic Remulla, "40 hurt and hundreds missing. Let us all be one in prayer for the HTI employees."





larawan mula kay Nunoy Azzar


larawan mula kay Say Park


larawan mula kay John Albert Dimayacyac
ADVERTISEMENT
Online News Balita

About Online News Balita

Online News Balita is a reliable website providing people with the latest news about class suspensions, weather updates, board exam results and other significant informations that people must know.